Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 8-taong gulang na batang babae na natagpuang inaanod sa patubig sakop ng Brgy. San Vicente, bayan ng Jaen, Nueva Ecija kamakalawa.

Positibong kinilala ng mga kaanak ang binigting bangkay ng paslit na si Christina Clare Mielle Medina, 8, tubong Taguig City at nanunuluyan sa Purok 7, Brgy. Maugat.

Ayon kay P/Chief Inspector Marlon Cudal, umaga ng Hulyo 20 noong makarating sa kanila ang ulat ng pagkawala ng biktima na dinukot umano ng isang Larry Herrera na naaresto sa Puerto Princesa, Palawan makaraang matunton ito na huling nakasama ng biktima batay sa mga CCTV footages na kanilang nakalap sa San Isidro at Cabanatuan.