Matagumpay na gumaling sa pagkakapositibo sa COVID-19 ang isang pitong taong gulang na batang lalaki sa Lapu-Lapu City.

Gayunman, tuluyan mang nakalabas na sa ARC Hospital ang bata nitong gabi ng Linggo, ay nananatili pa rin sa nakaratay sa nasabing ospital ang kanyang kapatid at nanay na kapwa rin nadale ng coronavirus.

Sa ngayon, ayon na rin sa Lapu-Lapu City MDRRMO ay todo bantay ang mga ito para makontrol na ang pagkalat ng nasabing nakakamata na virus.