Nalunod ang isang dalawang taong gulang na paslit makaraang mahulog sa irigasyon sa Purok Arinaar, Brgy. Aglipay sa Rizal, Nueva Ecija.

Ayon kay P/Chief Inspector Manuel Catacutan, nakilala ang nalunod na paslit na si Breendrea Riguer Calura.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas 11:00 ng umaga nang mangyari ang pagkalunod ng paslit matapos itong madulas at mahulog sa irigasyon.

Dahil sa lakas ng agos ng tubig ay tuluyang inanod ang bata at nang masagip ito ay mabilis na isinugod sa Dr. Rafael Clinic ngunit hindi na ito umabot ng buhay.