ZARAGOSA, Nueva Ecija — Hindi na uma­bot ng buhay ang isang dalawang taong gulang na paslit makaraang mabundol ng isang SUV noong Biyernes ng umaga sa kahabaan ng Carmen-Aliaga road sakop ng Brgy. Gen. Luna sa bayang ito.

Sangkot sa aksidente ang SUV na may plakang TOE 275 na minamaneho ni Gilbert Lising Linsangan, 39, residente ng Brgy. Pingit, Baler, Aurora.

Nakilala ang biktima na si Xian Alessandre Buladaco Agason, 2, residente ng Capas, Tarlac City.

Lumitaw sa imbestigasyon na dakong alas-11:40 ng umaga nang mabundol ang paslit na isinugod pa sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival ng mga sumuring doktor.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa kontra kay Linsangan.