Paspasang panalo gusto ng Perpetual coach

volleyball-player

Hindi kuntento sa panalo si Macky Cariño. Ang gusto niya, maging consistent ang kanyang mga manlalaro.

Namayani ang Perpetual Lady Altas kontra Mapua Lady Cardinals sa limang set 20-25, 24-26, 25-18, 25-12, 15-6 Martes ng hapon sa second game ng NCAA Season 95 women’s indoor volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre, pero dismayado ang coach siya sa kanyang players.

“Sobrang inconsistent. Nang pagdating ng 3rd, 4th, 5th doon lang. Naging composed na iyong team, iyong gel, iyong combination attack nandoon na, iyong nawala ba iyong tension sa katawan,” ani Macky.

“Sabi ko kaya naman pala natin bakit hindi natin laruin ng first two sets dapat madali na.”

Nanguna sa opensiba si Bianca Tripoli matapos pumalo ng 20 points habang umagapay rin si Jhona Rosal na gumawa ng 12 spikes at 13 excellent digs upang kolektahin ang 15 points.

Toka sa floor defense si Allysa Sangalang makaraang gumawa ng 19 excellent digs habang tinalaga naman sa pagpapadala ng bola si Jenny Gaviola. (Aivan Denzel Episcope)