Kung may Pata beauty, nangunguna na sa karera si Jessy Mendiola. Isang parte ito ng katawan niya na laging pinapansin at pinaniniwalaang imperfection .
Pero kung ang kaseksihan naman ni Jessy ang pagbabasehan sa sinasabi niyang pata, lahat ay gustong maging isang gaya n’ya.
Malinaw pa sa sinag ng araw ang pruwebang walang mali sa pigura ng Kapamilya star. ‘Yung pata niya keri na pulutan ng mga boylet.
Sa mga bikini posting niya, tunay namang nakakapagpapawis ng katawan at nakakapagkulo ng libido ang itsura nito.
Kurbang-kurba ang katawan ni Jessy. Mahihiya ang dating bottle design ng Coca-Cola sa mala-otsong hubog ng kanyang pigura.
Bumagay ang sinasabi nitong pata sa kanyang kaseksihan. Nagku-compliment pa sa body form n’ya.
Kung may tag na “Kilay is life”, ang tawag naman kay Jessy ay “PATA is Sexy”.
Hindi kami nagtataka kung bakit laging may ningning sa mga mata ni Luis Manzano tuwing makikita nya ang bikini outfit ng kasintahan. Tunay naman kasing nagbibigay saya ang alindog at kaseksihan nito. (Rey Pumaloy)