‘Patay’ muntik mabuhay sa maangas na alindog ni Solenn

Solenn Heussaff

MATAPOS mag-emote sa kanyang bikini shots at magpakasasa sa mga dagat sa Pilipinas, sa Israel­ naman nagpaubaya ng kanyang alindog si Solenn Heussaff. Nasa Israel­ si Solenn para sa isang shoot na nakita naman sa huling posting niya sa Instagram.

Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

Sinamantala talaga ni Solenn ang vacation cum work niya sa Israel para matikman ng katawan niya ang pamosong ‘Dead Sea’ na sinasabing may beauty benefits ang putik nito.

Ang nangyari ay parang ang Dead Sea ang nakatikim sa katawan ng aktres na ang tanging humahawak lang o nagpapakasasa ay ang kanyang mister na si Nico Bolzico.

Naka-post sa IG wall ni Solenn ang floating shot niya sa ‘Dead Sea’. Nakadipa ang actress-host na parang nagpapabuhat sa tubig.

Para sa mga kalala­kihan, ang ganda ng tanawin kay Solenn sa paglalantad nito ng kanyang alindog. Nakaliyad nang bonggang-bongga­ ang buong katawan ng aktres sa tubig na parang handang magparaya sa kalikasan na galawin ang kanyang kaseksihan.

Sa tingin ko nga, muntik mabuhay ang patay na dagat dahil sa maangas na alindog ni Solenn.

Kahit naman anong lugar, shot, poses, suot sa swimming pool man o river, lake o beach, hindi pa rin puwedeng magbago ang kaseksihan ni Solenn. Kakaiba pa rin talaga ang angas ng kaseksihan ni Solen­n na walang kaarte-arte­ sa katawan kahit pagpantasyahan siya ng mga kalalakihan­.