Dear Dream Catcher:

Nakapanaginip po ako ng patay na buhay mula sa kabaong niya. Tapos po sa pa­naginip ko po galit na galit po siya sa amin.

Vaness

Dear Vaness:

Ang panaginip tungkol sa isang bangkay ay representas­yon ng isang bahagi ng buhay mo, isang sitwasyon o isang pangyayari na nagdaan na pero patuloy mo pa ring hindi mapakawalan. Ang isang patay ay maaari rin namang simbolo ng isang pagbabago na maaaring nangyari na o mangyayari pa lamang.

Sa iyong panaginip, ang isang patay ay nakita mong nabuhay at nagalit pa sa iyo. Ang ganitong panaginip ay kadalasang konektado sa iyong emosyon.

Halimbawang, kung sa iyong aktuwal na buhay ay may pinagdaraanan ka sa iyong love life, puwede mong ikonek ang ganitong panaginip sa iyong nararamdaman. May nararamdaman ka pa ba sa iyong partner o maihahalintulad mo na sa isang namatay na tao ang iyong damdamin sa kanya—as in namatay na rin ba ang pagmamahal mo?

Kung may ganito kang pinagdaraa­nan, ang isang patay ay puwedeng ikonek sa iyong feeling habang ang pagkabuhay nito at ang pagkagalit ng patay sa iyo ay puwede namang ikonek sa senaryong pinipilit mong ibalik ang isang talagang patay.

Sa lumang paniniwala, ang panaginip na tungkol sa mga patay ay pinaniniwalaang bad luck pero sa makabagong pag-aaral, ito ay mas indikasyon ng mga pagbabagong dumarating at ikinukonsidera ng nanaginip.

Ang patay sa iyong panaginip ay maaa­ring representasyon din ng mga negatibong aspeto ng iyong buhay na nagawa mong patayin. Halimbawang merong masamang bisyo na napagtagumpayan mong alisin at ang pagkabuhay ng patay at pagkagalit ay mensahe ng iyong subconscious na masamang ibalik ang masamang bisyo.

Sa kabuuan, ang iyong panaginip ay tumatalakay sa pagtatapos ng isang yugto ng iyong buhay. Nasa iyo pa rin ang kontrol para ga­wing positibo ang lahat ng nangyayari sa iyong buhay.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating pana­ginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispirit­wal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.