Isang bagong silang na sanggol ang natagpuang patay na ng isang Grab driver sa Caloocan City kahapon ng mada­ling-araw.

Ayon kay Antonio Muñoz Jr., 35-anyos at taga-Angono, Rizal, binabaybay niya ang kahabaan ng 10th Ave­nue nang mapansin ang isang itim na jacket na nakalapag sa plant box sa kanto ng Baltazar St., ­Barangay 66, ng nasabing lungsod.

Agad siyang huminto at bumaba ng kanyang sasakyan saka pinulot ang nasabing jacket, pero nang maiangat niya ito ay doon tumambad sa kanya ang isang itim na paper bag kung saan isinilid ang sanggol na lalaki ang kasarian.

Sa ngayon ay nanga­ngalap pa ng mga kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar ang mga awtoridad na posibleng nakahagip sa taong nagtapon ng sanggol.

Dinala ang sanggol sa pangangalaga ng Eusebio Funeral Homes para mabigyan ng maayos na libing.