LAUGHTRIP ang Patay Na Si Hesus, na Jury’s Choice Award sa 1st Pista ng Pelikulang Pilipino.
Ang daming laugh out loud moments ng pelikulang idinirek ni Victor Kaiba Villanueva.
Sobrang riot ng buong ensemble nito lalo na ang lead actress na si Jaclyn Jose.
Tawang-tawa kami sa kabaliwan ng pamilya ni Iyay (Jaclyn) na nag-roadtrip mula sa bahay nila sa Cebu papuntang Dumaguete para pumunta sa libing ng dati nitong asawa na si Hesus, na ama ng tatlong anak nito.
Natural na nakakatawa ang Cebuano actor na si Melde Montanez bilang si Jay, anak ni Iyay na nakabuntis ng syota at may eksenang sinusubo ang ‘dagta’ nito matapos magparaos sa banyo.
Si Chai Fonacier (agaw-eksena rin sa Respeto ni Abra), akala namin ay totoong lesbiana dahil super-believable ito bilang tomboy na anak ni Iyay na si Judith Marie (JUDE EAT MARIE) a.k.a. Jude.
Si Angelina ‘Miles’ Kanapi ay may short appearance bilang krung-krung na pinsang madre ni Iyay.
Benta ang mga kalokohan ng kwelang pamilya ni Jaclyn, na kahit Bisaya ang salita ay sakay na sakay ng audience ang mga punchline.
Hagalpak kami sa eksenang nagtanong ang batang babae na anak-anakan ni Jude kung anong ibig sabihin ng PUKI.
Sobrang laki ng pramis ni Direk Victor Villanueva sa comedy genre, sana ay kunin siya ng Regal ni Mother Lily Monteverde.
Ang Patay Na Si Hesus ang 2nd topgrossing film ng PPP (na as of Monday ay naka-P127M na raw).
Sa 2016 QCinema Film Festival nanggaling ang Patay Na Si Hesus kung saan nanalo ito ng Audience Choice Award at Gender Sensitivity Award.