Nalagutan na ng hini­nga ang isang security guard na unang naiulat na malubhang nasugatan matapos tamaan ng lumipad na bakal sa ulo nang manalasa ang buhawi noong Linggo ng hapon sa Quiapo, Maynila.

Dakong alas-4:30 ng hapon, kamakalawa ng ideklarang patay sa Jose Reyes Memorial ­Medical Center (JRMMC), ang biktimang si Elmer ­Quimno, 40, ng Guzman Dormitory, sa Z.P. de Guzman Street, Quiapo, Maynila.

Bago ang ­insidente ay nasa rooftop ­umano ng naturang ­dormitoryo ang biktima nang dumaan ang buhawi dakong alas-4:40 ng hapon ng ­Linggo, Agosto 14.

Isang bakal na nata­ngay ng buhawi ang aksidenteng tumama sa ulo ng biktima sanhi upang malubhang masugatan ang ulo nito.