May kabuuang 32 na ang bilang ng mga Abu Sayyaf­ na napapatay ng militar sa nagpapatuloy na labanan sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Arnel dela Vega, dalawa ang nadagdag na nasawi sa panig ng ASG matapos ang panibagong engkuwentro na naganap kamakalawa.

Ayon kay Dela Vega, nakasagupa ng pinagsanib­ na puwersa ng 35th Infantry Battalion at 21st Infantry Battalion ang nasa 30 miyembro ng ASG habang umaatras ang mga bandido na tinutugis naman ng 45th Infantry Battalion na una nilang nakasagupa.

Namataan ng mga sibilyan na buhat-buhat ng mga kasamahang ASG ang labi ng dalawa para ilibing.

Wala namang nalagas o nasugatan sa panig ng mili­tar sa nasabing engkuwentro na pinangunguna­han ng dalawang sub-commander na sina Jamiri Jaong Jawhari at Basaron Arok.