Patch level-up ang sarap

NI: NONIE V. NICASIO

Malakas ang arrive ng beauty queen na si Patch Magtanong.

Mabibistahan ang kanyang sosyal na beauty sa Instagram post na ito, suot ang sexy light blue swimsuit. Bukod sa taglay na ganda, kakaiba ang tindig niya. Bukod dito long legged pa.

Kahit saang anggulo pagmasdan ay umaapaw siya sa sex appeal. Level-up ang sarap. Sadyang may maipagmamalaking beauty and brain ang dalagang may taas na 5’ 9”.

Bea Patricia de Guzman Magtanong ang kanyang buong pangalan, isa siyang lawyer, fashion model, at nanalong Binibining Pilipinas-International noong 2019. Naging kinatawan siya ng bansa sa Miss International 2019 sa Tokyo, Japan at nakapasok sa Top 8.

Si Patch ay 26 yeard old, tubong Bataan, at nagtapos ng Law sa UP Diliman. Siya ay nag-graduate rin bilang cum laude ng kursong Business Economics sa parehong pamantasan.

Ang kanyang malakas na dating sa opposite sex ay sapat para maging aligaga at hindi mapakali ang maraming kalalakihan. Ang tipo ng beauty ni Patch ang type pagpiyestahan ng maraming barako at walang hot blooded male ang magsasawa sa kanyang taglay na alindog.

Maraming lahi ni Adan ang lalong mababaliw kay Patch kapag pinagsama ang kanyang ganda at makatulo- laway na kaseksihan. Sa tindi ng kanyang hotness, siya ang perfect na panggising sa mga natutulog na ugat ng mga boylet.