Patch luhaan sa Miss Int’l 2019

Hindi nasungkit ni Bea Patricia ‘Patch’ Magtanong ang korona sa Miss International 2019 na ginanap nitong Martes, November 12 sa Tokyo Dome City Hall sa Japan. Gayunpaman ay mapalad siyang nakapasok sa Top 8.

Nagwagi si Sireethorn Leearamwat mula Thailand bilang Miss International 2019. Ipinasa sa kanya ang korona ng Miss International 2018 na si Mariem Velazco ng Venezuela.

Tinanghal naman ang Mexico bilang first runner-up, Uganda ang second runner-up), Colombia sa third runner-up at United Kingdom ang fourth runner-up. (Ronaline Avecilla)