LUMIPAD pa-Cebu si Sarah Matteo noong Sabado para suporta­han ang BF na si Matteo Guidicelli, na lumahok sa Cobra Ironman 70.3 Philippines.

Gaya ng nangyari two years ago, naispatan si Sarah na wine-welcome si Matteo sa finish line.

“MATTEO, CONGRATS MY LOVE! ­GIHIGUGMA TIKA!” ang mensahe ni Sarah sa placard na hawak niya.

Kilig-kiligan ang AshMatt fans, lalo na nang magyakapan sila.

#CoupleGoals

Sa pisngi lang hinalikan ni Matteo si Sarah. Tapos, hawak-kamay sila.

Pati mga pulis sa event, kinunan sila ng ­litrato, huh?!

Panay-panay ang comments ng netizens sa tamis-tamisang photos & videos nila.

“Ito ‘yung moment na parang may ikinasal lang at super happy ­lahat ng mga naka-witness sa wagas na pagmama­halan nila!” comment pa ng isang netizen.

2 Responses