Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
12:00 noon – EAC vs. St. Benilde (srs)
2:00 p.m. — Arellano vs. Mapua (srs)
4:00 p.m. — Perpetual vs. San Beda (srs)

Palalakasin ng Arellano University ang pagkapit sa tuktok para makuha ang twice-to-beat bonus sa 92nd NCAA seniors men’s basketball tournament.

Solo sa top spot ang Chiefs (13-3), haharapin ang Mapua Cardinals sa second game mamaya sa The Arena sa San Juan.

Pero hindi magiging madali ang magiging laban ng Arellano dahil may tsansa rin ang Cardinals sa incentive na ibibigay sa top two teams pagkatapos ng 18-game eliminations.
Kasalo ng Mapua ang Perpetual sa third sa 11-5 cards, No. 2 ang San Beda College Red Lions sa 12-4.

Selyado na sa Final Four ang Arellano, San Beda, Mapua at Perpe­tual, pero kailangan pa rin nilang manalo sa mga natitirang laro para malaman ang pagkakahilera ng rankings, at ang mga sultada mamaya ay patikim ng hostilidad sa next round.

“It will help us a lot if we have the twice-to-beat advantage,” pahayag ni Arellano head coach Jerry Codinera.

Kaldagan sa main game ang Altas at last year’s runner up Red ­Lions.

Ibabandera ni Perpetual coach Jimwell Gican sina Nigerian imports Bright Akhuetie at Prince Eze para makuha ang bentahe sa lundagan kontra San Beda na nabawasan ng pangil matapos magkaroon ng injury si Donald ­Tankoua.

“It will not be easy but we will try to take advantage of it,” wika ni Gican.