Isa sa mainstays ng “Bubble Gang” na sobrang happy na part siya ng cast ay ang sexy actress na si Kim Domingo.

Kasi naman, nagamit din ng show ang image ni Kim bilang sexy actress. And for good measure. Isa sa mga inaabangang portion sa show ay ang segment na ‘Patikim ni Kim’, na tungkol sa pagluluto, pero ang focus ay kung gaano kaseksi si Kim.

Kaya sa tuwing rumarampa sa mall si Kim, nakikilala siya ng mga tao at sinasabing siya si Kim na mainstay ng “Bubble Gang”.

Wala namang kaso kay Kim kung pagsuotin man siya ng sexy attire sa show. Suportado rin kasi ng “Bubble Gang” ang image niya bilang sexy star. Kaya kahit na anong sexy role ang gawin niya sa show eh okay lang sa kanya. Mas lalo pa nga itong nagpapataas ng rating ng show.

Vanjoss ‘di singgaling ng kalaban

Si Vanjoss Bayaban ang bagong “The Voice Kids” champion at win siya ng P2 million sa reality singing competition grand finals na ginawa sa Resorts World Manila noong Linggo.

Sabi ng pambato ng Team Sarah, ibibigay niya sa kanyang mga magulang ang prize money para sa kinabukasan nilang magkapatid. Plano rin niya na bumili ng magarang sasakyan.

From the start ay halata naman na paborito ni Sarah G si Vanjoss. Sa bawat stage ng competition ay lagi ito ang pinipili ni Coach Sarah para pumasok sa susunod na round ng competition.

Sabi ni Vanjoss, ipinagdarasal lang niya na sana ay manalo siya pero ‘di pa rin siya makapaniwala na siya ang nagwagi.

Pero just like any contest, may masaya at malungkot. Masaya ang supporters ng winner pero malungkot ang may ibang gustong manalo.

May kumukwestiyon sa panalo ni Vanjoss via text voting. Hindi naman daw ito kasing galing nu’ng dalawa niyang kalaban.

Pero overwhelming ang boto na nakuha ni Vanjoss. Kahit pa sinasabi nu’ng iba na kaya win si Vanjoss dahil sa Popsters ni Sarah, kung hindi naman siya magaling, hindi aabot na ganoon kalaki ang boto niya.

Let us give it to the kid. Deserving naman siya.