Patrolwoman dedbol, hepe sugatan sa lakas ng ulan

Dedbol sa aksidente ang isang lady cop habang nasugatan ang dalawang iba pa nang maaksidente sa Barangay Limonan sa bayan ng San Miguel, Zamboanga del Sur Martes ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay nang isugod sa ospital ang biktimang si Patrolwoman Cleio Citz Calamba.

Nasugatan naman ang hepe ng Dimataling Municipal Police Station na si Police Capt. Roger Bartiana at si Police Cpl. Annabel Morales.

Ang tatlo ay pawang miyembro ng Dimataling Municipal Police.

Nangyari ang sakuna habang pauwi na ang mga biktima mula sa Provincial Police Office sa Pagadian City.

Sa report, ayon na rin kay Police Capt. Tessette Padua, hepe ng San Miguel Municipal Police Station, habang nagmamaneho ay nawalan umano ng kontrol si Bartiana sa sasakyan. Nag-ugat ang insidente dahil sa pagbuhos ng ulan kung saan madulas ang daan.

Sa lakas ng impact ay tumilapon si Calamba.