Patuloy na suhulan sa Bilibid, malaking hamon kay Bantag – Guevarra

Natitiyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na patuloy pa rin ang iligal na gawain ng mga inmate sa New Bilibid Prison (NBP).

Partikular na tinukoy ni Guevarra ang paggamit ng inmates ng pera para makagawa ng mga iligal na makapagpapagaan ng kanilang buhay sa loob ng piitan.

Ito aniya ang hamon na dapat matugunan ng bagong pinuno ng NBP na si Director Gerald Quilatig Bantag.

Gayunpaman, tiwala naman si Guevarra na may kaalaman si Bantag sa nangyayaring iligal sa Bilibid.

“I am sure that inmates with money will continue to buy convenience, luxury, and freedom to engage in nefarious activities while in detention,” ani Guevarra.

“DG Bantag has personal knowledge of facts on the ground. So that’s the challenge that DG Bantag has to overcome,” sabi pa niya.
(Anne Lorraine Gamo)