Paul Lee bumabalik ang angas

pba-globalport-hotshots

Nakasiguro ang Star Hotshots na may matibay na silang armas sa PBA Philippine Cup playoffs ngayong wala ng health issues si Paul Lee.

Binagabag ng problema sa tuhod sa final season niya sa Rain or Shine, balik na ang angas ni six-foot Lee, gumatilyo ng team-high 22 points – lima mula sa three-point area – na pinalamutian pa ng four rebounds at four assists nang sagasaan ng Hotshots ang Phoenix 114-83.

Sa panalo ay namuro ang Hotshots sa semis at bumiyahe na roon sa u­nang pagkakataon sapul noong 2015 Governors Cup nang muling ibaon ang Fuel Masters 91-71 kagabi sa likod ng 17 points, four rebounds at 9 assists ng Lethal Weapon.

Nang sipain ng Star ang Meralco 120-73 sa dulo ng eliminations at may produksiyon ang combo guard na 15 points, five assists.

Sa matikas na performances ni Lee ay tinanggap niya ang Accel-PBA Press Corps Player of the Week (Jan. 31-Feb. 4) award, ikalawa niya nga­yong conference.

Naungusan ni Lee sa weekly award sina teammate Allein Maliksi, Scottie Thompson at Sol Mercado ng Ginebra, June Mar Fajardo, Arwind Santos at RR Garcia ng San Miguel Beer, Jayson Castro, Larry Fonacier at Mo Tautuaa ng TNT.