Paul pampagulo kina Miguel, Bianca

Marami-rami na ring studs sa number one network sa Kamuning, ayun ‘yan sa kanilang mga press releases ha, hindi galing sa akin dear readers kaya takang-taka ako kung bakit si Paul Salas eh balik Kapuso na muli.

Fourteen years ago, noong siya ay musmos pa, sumali siya at inulansad ang karera bilang batang artista sa StarStruck Kids.

Sina Kurt Perez at Sam Bumatay ang major winners sa nasabing kiddie artista at ngayon, finality the WHO times two na ang dalawa dahil mas pinili nitong maging mga private citizens.

Apat na taon ring naging Kapuso si Paul bago ito na­ging taga-Mother Ignacia station noong 2008. Bente an­yos na ngayon si Salas, binata, maraming mga larawan na ring ipinakita niya ang kanyang nubile at yummy body at ayon sa mga balita kasintahan nito ang bida sa Araw, Gabi, si Barbie Imperial.

Ngayon ay Kapuso na naman si Paul, ano nga kaya ang mangyayari sa karera niya? Sa ‘di maipaliwanag na dahilan, laging kung may anong kulang sa career planning at mapping ng mga Kapuso star kaya wala ka talagang mai-pinpoint kung sino ang certified bankable at may stellar wattage.

Sina Derrick Monasterio, Jak Roberto, Dave Bornea at Rocco Nacino nga, na resident Kapuso studs, sing and dance with matching paggi­ling, kanyod at paghuhubad pa sa isang katatapos lamang na konsiyerto, nasaan ang post concert buzz at spread of chika tungkol dito?

May kakayahan si Paul na mangkayag. Parang kaya rin nitong maging matabil na parang walang preno kung ipahayag ang kanyang saloobin. Dahil nga sa maganda nitong pangangatawan at Asian heart throb looks, alam mong ang mga babae at maricon in all shapes, sizes and sexual preference, may kakayahan siyang paiibigin o kaya ay pakiligin.

Sino nga kayang young Kapuso actress ang ipapareha sa kanya? May chemistry kaya sila ni Kyline Alcantara. Ang young miss ito ang tila current apple of the eye sa GMA 7. Pareho naman silang dating mga Kapamilya kaya masaya siguro kung pagtatambalin sila.

Kung mag-eksperimento kaya ang Kamuning network at gawin silang magkaka-love triangle, Miguel Tanfelix, Bianca Umali at si Salas. Puwede siyang pampagulo sa tambalan. Panalong ga­wing magkaribal sina Paul at Miguel dahil nga parehong ang roots nila ay StarStruck kids. At ngayong may paandar si Tanfelix na gusto na nitong maging kasintahan si Umali, mas may friction at explosion kung silang tatlo ay pagsasamahin. Mas bumongga nga nawa ang kanyang karera bilang Kapuso lalo na nga’t hindi na pabata ang mga leading men na napapanood sa GMA 7. Kailangan nila ang isang tulad ni Paul na malaki ang potensyal na maging bida.

Francis nabantilawan ang career

Ang isa pang may talagang star potential ay si Francis Magundayao. Siya ang binatil­yong Piolo Pascual sa Since I Found You na lumalabas sa mga flashback sequences sa primetime drama.

19 years old na si Francis, and just like Paul Salas, hindi naging bansot at bumongga rin ang katawan at yes oh yes, hind puwedeng itanggi na marunong din umarte ang teen-ager. Pero mabagal at parang nabantilawan ang career. Kailan nga kaya siya mamahalin at yayakapin in a major, major way ng madlang pipol at the rest of the Kapamilya.

Naging talk of the town lang si Magundayao dati nung may alegasyon sa kanyang siya ang young man na may impressive saging na saba sa isang larawan.

May pinagsamahan pa silang pelikula ni Barbie Forteza, ang ‘#Ewankosau Saranghaeyo’ na ipinalabas three years ago. Nagtataka kayo, dear readers, na may pelikula palang ganun? Ang harsh niyo kay Francis, huh! Pati na rin kay Barbie. Sobra kayo sa kanila.

Nawa’y bumongga sa tamang panahon ang estrella ni Francis Magundayao. All he needs is one big movie break at go for gold na ‘yan.