Pauleen, 3 araw umiyak sa pagkamatay ng aso

Pauleen Luna

SOBRANG dinamdam ni Pauleen Luna ang pagkamatay ng alagang aso na French bulldog.

Nakita pa namin ang asong ito na pinangalanan niyang Lizzie.

Ang duda nina Pauleen, natuklaw ito ng ahas.

Ang bahay kasi nila ay katabi lang ng golf course na may damuhan at mga puno.

Ayon sa Eat Bulaga Dabarkads, nagulat na lang sila nang nakita nilang hindi na gumagalaw si Lizzie.

Itinakbo pa nila ito sa veterinarian, pero wala nang nagawa.

Nung inimbestigahan nila kung paano ito namatay, nakita nila sa CCTV na tumakbo ang aso sa may damuhan.

Nang lumabas ito, natumba na lang at hindi na gumalaw.

Tingin nila, may ahas sa may damuhan at natuklaw nito ang aso.

Tatlong araw na iyak nang iyak si Pauleen. Dalawang araw siyang hindi pumasok sa Eat Bulaga dahil sobrang apektado siya.

Nag-post si Pauleen sa Instagram kung paano niya na-take ang pagkamatay ng kanyang aso.

Sabi nito, “People who know me well know that this is a big deal for me because I do not treat my dogs as pets but as family.

“Three days of constant crying, I still can’t get over it. I know not eve­ryone understands me because not everyone can relate.”

Mabuti at nandiyan si Bossing Vic na nagtsi-cheer up sa kanya para malagpasan niya ang pagdalamhati sa pagpanaw ng paborito niyang aso.

Sabi pa niya, “I just want to give a shout out to my awesome husband for cheering me up. He knows it hasn’t been easy for me.”

Hindi maisip ni Pauleen kung mag-aalaga siya ng dagdag pang aso, kahit may naiwan pang isa sa kanya.