Pauleen, bawal nang MAGBIYAHE

Pauleen at Vic

NGAYONG araw, balik-shooting na si Vic Sotto sa MMFF entry niyang Meant To Beh.

Ilang araw siyang nagbakasyon sa Japan kasama ang asawang si Pauleen Luna at ang Dabarkads ng Eat Bulaga.

Naka-text namin si Pauleen at na-enjoy nila nang husto ang bakasyong iyun sa Oita, Japan.

Iyun na raw ang hu­ling bakasyon niya out of the country dahil pinagbawalan na siya ng OB Gyne niya na magbiyahe.

“Safe lang daw kasi mag-travel hanggang 6 months. After nu’n, di na safe,” text ni Pauleen sa amin.

Marami siyang aasikasuhin para mapaghandaan ang panganganak niya.

Si Bossing ay kaila­ngan na rin daw matapos na ang kanilang pelikula para umabot sa deadline nito.

Pinag-uusapan pa rin nila ni Bossing Vic kung ano ang ipapangalan sa kanilang magiging ­baby girl.

Ia-announce nila ito sa Eat Bulaga.