SA backstage ng Eat Bulaga kahapon, nakita kami ni Pauleen Luna-Sotto, kaya kaagad lumapit sa amin ang misis ni Bossing Vic Sotto para bumati.

https://www.instagram.com/p/BULqnW3ARhd/

Pinansin namin ang tila hindi pa rin buntis na hitsura ni Pauleen. “Maingat din kasi ako sa pagkain,” sabi ni Pauleen.

Hindi pa raw nagge-gain ng timbang si Pauleen kahit ilang linggo na siyang buntis.

“Usually, ang dapat talaga, one pound a week lang sa first trimestral para hindi rin mahirap ang pagbubuntis, pero mapili rin kasi ako sa pagkain, kaya hindi pa ta­laga ako nagge-gain ng timbang,” sey ng misis ni Bossing Vic.

Blooming si Pauleen, kaya naniniwala kami sa hula ng marami na babae ang ipinagbubuntis niya.

Kapuri-puri si Pauleen dahil kung ano ‘yung ugali niya na napaka-PR noong dalaga pa lang siya, ganoon pa rin siya hanggang ngayong Mrs. Vic Sotto na siya.

Si Ruffa Gutierrez na “Ruffaree” sa Jackpot En Poy game segment ng Eat Bulaga, nang makita ni Pauleen sa dressing room, kaagad nilapitan para batiin.

***

Speaking of Ruffa, may mga pagkakataon na nagkakasama na naman sila ng kaibigan niyang si Donita Rose.

Pero hindi lang sila palaging tsikahan lately like noong um-attend sila ng VIP screening ng pelikula ni Jodi Sta. Maria.

Pati sa pagpapapayat ay madalas na magkasama lately ang magkaibigan.

May pagkakataon na magkasama silang nag­yo-yoga. Dahil sobrang close nila, mas nae-enjoy nila ‘yon.

Sabi ng magkaibigan, sana ay magkasama rin sila uli sa isang proyekto.

***

“Jobless” ang isang magaling na aktor na ga­ling din sa isang showbiz clan.

“Tsinugi” siya sa dapat sana ay sisimulan niyang afternoon series sa isang TV network.

Nalaman kasi ng mga taga-production na may canned series siya sa isa pang TV network.

Ang tagal nang natapos ni magaling na aktor ang series na ‘yon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapalabas at hindi pa sigurado kung kailan maipapalabas, huh!

Eh syempre, kaila­ngan ding magtrabaho ni magaling na aktor, kaya nang mag-offer ang isa pang TV network, kaagad sinunggaban ‘yon ng manager ni magaling na aktor.

Naka-join na si ma­galing na aktor sa story conference ng nasabing new afternoon series, pero nang lumabas ang mga litratong kuha roon, may nag-react at nagsabing may canned series pa si magaling na aktor sa isa pang TV network na hindi pa naipapalabas.

Ang ending, tinanggal si magaling na aktor sa new afternoon series na sisimulan sana niya.

Hanggang hindi pa naipapalabas at natatapos ang canned series ni ma­galing na aktor, na suporta lang siya, wala muna siyang aasahang trabaho!

Biniro namin ang manager ni magaling na aktor na magiging “house husband” na lang ang kanyang alaga.

Ang misis kasi ni magaling na aktor ay kasama ngayon sa isang bagong primetime series, kaya si misis muna ang kumakayod.

In fairness kay maga­ling na aktor, marami siyang ipon, kaya hindi pa rin puwedeng sabihin na ang misis lang niya ang gumagastos sa kanilang bahay, ‘noh?!

One Response

  1. Beks Jun Lalin, ginawa mo pang BI kuno ‘yan eh naisulat na ‘yan ng ibang tabloid writers. Tonton Gutierrez-The Promise of Forever (ABS-CBN)-Haplos (GMA)-Lolit Solis-Glydel Mercado-My Love From The Star.