MERON pa rin palang guest appearance si Pauleen Luna sa Enteng Kabisote 10 na sinu-shoot ni Vic Sotto.

Hindi pa niya kami sinagot kung ano ang role niya, pero sabi niya, maliit lang.

Sinabi noon ni Pauleen na kung meron lang role na puwede sa kanya sa mga pelikulang ginagawa ni Bossing Vic, okay sa kanya.

Hindi kaya siya si Faye sa pelikulang iyun? Pero guest role lang daw talaga, kaya tingnan natin kung ano ang ginawa niya sa Enteng.

Hanggang ngayon kasi, wala pa ring sinasabi si Bossing kung sino na ang Faye sa Enteng Kabisote 10 and the Abangers.