MAGBABAKASYON sana sina Vic Sotto at Pauleen Luna sa Paris,­ France ngayong buwan, pero hindi na itutuloy ­dahil lumalaki na ang ­tiyan ni Pauleen.

Gusto sana nila ng isa pang bakasyon ­bago magsimula si ­Bossing Vic ng shooting sa Meant To Beh nila ni Dawn ­Zulueta na isasali sa Metro ­Manila Film Festival.

Biglang nag-crave ­kasi si Pauleen ng nougat at sarap na sarap siya sa nougat ng Laduree.

Pero lumalaki na ang tiyan ni Pauleen kaya ­dito na lang siya hanggang sa makapanganak.

Sabi ng Eat ­Bulaga dabarkad, hindi naman kailangan ng Laduree na nougat. Basta kahit saan galing okay lang siya, basta type lang niyang makakain ng nougat.

Kaya nag-promise na si Manay Lolit sa kanya na pasalubungan siya ng nougat mula Laduree pag-uwi nila galing sa kasal nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho Jr. sa Paris.

Sa September 2 na ang Christian wedding ng magkasintahan at dadaluhan ito ni Manay Lolit.

Type lang niyang masaksihan ang kasosyalan ng kasalang iyun at pagkatapos nu’n ay babalik na siya ng Maynila.

Kailangang mauwian niya ng nougat mula ­Laduree si Pauleen.

Sabi naman ni Pauleen, tapos na siya sa stage ng paglilihi.

Basta, nag-crave lang siya sa nougat, kaya baka meron nang nagbigay sa kanya nito.

Hindi raw niya na-experience ang bonggang paglilihi at masuwerte raw siya dahil hindi ­siya nakaka-experience ng morning sickness.

Na-enjoy ni Pauleen ang pagbubuntis at minsan ay parang hindi siya makapaniwalang meron siyang dinadalang buhay sa kanyang sinapupunan.

Bahagi ng post nito sa Instagram, “We are so blessed to have our own miracle! I still can’t believe I’m making a human being inside my belly!

“I must say that this tops my growing list of blessings from our ­Creator.”

Sabi niya, ito ang best time of her life, ang kanyang #journeytomamahood.

“Pregnancy has given me a certain kind of happiness, the type that no one or nothing can pop!

“Like I’m always in a good mood and just burst into laughter (the kind that I’ve never heard before).”

Kaya nagpapa­salamat siya sa lahat na nagma­mahal at masaya sa kalagayan niya ngayon.

Ang pagiging ina ang isa sa pinakamimithi niyang hangarin sa buhay. Kaya, humihingi pa siya ng dagdag pang dasal para sa kanyang safe pregnancy hanggang sa kanyang panganganak.

Sabi ni Bossing Vic, maaaring last week of November o first week of December ang due nito. Kaya lalong nag-ii­ngat si Mrs. Vic Sotto.