Pauleen, naloka sa pimples

Pauleen Luna

IN-ANNOUNCE ni Vic Sotto sa b-day celebration niya kamakalawa sa Eat Bulaga ang pagbubuntis ng asawa niyang si Pauleen Luna.

Katabi ni Vic si Pauleen nang magsalita siya, “Gusto ko pong sabihin sa Pilipinas at sa buong mundo, na buntis po ako.”

Nagsigawan na ang mga tao dahil gets na nilang si Pauleen ang tinutukoy nito.

“Hindi po ako… ang aking asawa ang buntis,” bawi nito.

Lalong nagsigawan ang mga tao at naluha pa si Ruby Rodriguez na close kay Pauleen.

Dagdag na pahayag ni Bossing Vic, “Ang amin pong hiling, ang inyong dasal para sa tagumpay ng aming anak.”

Pagkatapos ng segment na iyun ay tinawagan namin si Pauleen. Nagulat din kami nang biglang in-announce iyun ni Bossing Vic dahil ang pakiusap ni Pauleen, huwag munang ibalita dahil masyado pang maaga.

“Nagulat ako du’n, ha! Hindi ako prepared!” bulalas ni Pauleen nang tinawagan namin.

Bukas, Mayo 9, ay eksaktong 10 weeks na ang kanyang ipinagbubuntis.

Nitong mga nakaraang linggo, hindi siya napapanood sa Eat Bulaga dahil pinapagpahi­nga siya ng doktor.

“Hindi naman ako nahirapan, pero hindi rin naman madali,” sagot ni Pauleen nang kinumusta namin ang kanyang pagbubuntis.

“Mabuti pa nga si Pia (Guanio), parang wala lang sa kanya. Hindi siya nahihirapan. Nakakaloka lang, may mga pimples ako!” sabi pa ni Pauleen.

Wala siyang morning sickness pero nagkaka-nausea siya na hindi natu­tuluy-tuloy.

Wala rin siyang particular na pagkaing pinag­lihian.

“Ayoko lang ‘yung mga matatapang na amoy.

“For a time, gusto ko lang, itlog. Kasi, walang amoy,” sagot niya sa amin.

Okay raw siya nga­yon kaya okay lang siyang mag-Eat Bulaga araw-araw. Pero siyempre, mabuti na rin daw ‘yung nag-iingat talaga.

Hindi pa iniisip ni Pauleen kung baby boy o girl ang type niyang ma­ging baby. Basta healthy lang ito.

Kung si Bossing Vic ang tanungin, mas type sana niya ay baby boy.

Marami ang natuwa sa magandang balitang iyun kaya ang daming bumati kay Pauleen sa Instagram.

Pati ang Mommy niyang si Chat Luna ay natu­tuwa na ring nag-post sa IG na kinumpirmang buntis ang kanyang anak.

Pagkatapos ng Eat Bulaga ay ipinost ni Pauleen sa IG na nagpapasa­lamat siya sa sorpresang announcement na iyun ng kanyang asawa.

Sabi niya, “Finally, a bun in the oven! Can’t be more proud and excited to be a mom.

“Thank you to my handsome for surprising me with this announcement. THANK YOU LORD FOR BEING SO GRACIOUS!”