May rason kung bakit sentro ng inggit ng mga kalalakihan si Vic Sotto. Ito’y dahil sa kanyang misis na si Pauleen Luna-Sotto.

Nakabalandra ngayon sa social media account ng actress-TV host ang bikini shot niya mula nang manganak siya sa kanilang anak na si Talitha.

Sa Isla ng Amampulo kuha ang two piece bikini photo ni Pauleen habang nagbabakasyon sila.

Sa ganda at kaseksihan ngayon ni Pauleen, makakaramdam talaga ng lungkot at kakulangan sa buhay ng ilang mga boylet na matagal nang nagpapantasya sa kanya. Tipong siya’y bebot na TOTGA o “the one that got away”.

Maiisip pa lang kung gaano nagtatampisaw sa matinding sarap at kaligayahan si Vic sa alindog ng kanyang misis.

Sorry na lang, kasi selyado na kay Vic ang lahat ng parte ng katawan ni Pauleen, at wala nang makakaagaw pa nito. (Rey Pumaloy)