MAKAKATULONG kaya sa career ni Paulo Avelino ang pag-amin niya na kasintahan na niya ang Filipino-Australian na si Jodie Elizabeth Tarasek?

In fair Verona, kagandahan si Tarasek, maalindog at mapanghalina kaya walang kagatul-gatol ang pag-amin at pagpapakatotoo ni Avelino sa estado ng kanyang buhay pag-ibig at pakikipag-relasyon sa isang entertainment portal.

Maligaya ang binata kaya go for gold ito in shouting to the whole wide universe na his romantic heart is in the right place, at the right time with the right woman.

Ang tanong, mauurirat kaya ang relasyon ni Paulo sa promo ng mga major movies kung saan bida siya?

Magsuplado na naman kaya siya sakaling may mangahas magtanong tungkol sa romantic state of his puso sa mga press payanig?

Visibly absent siya sa 7th birthday party of his son with LJ Reyes, si Aki.

Hindi kaya maakusahan si Paulo na mas may time pa sa bago niyang iniirog kesa makitang duma­lo sa kaarawan ng kanyang anak?

Hindi ba siya nagpakita o nagparamdam man lang sa birthday celebration nito kasi alam niya na he mght not be welcome or wanted there?

Abangan na lang natin kung new forever na ang tatahakin nina Paulo at Jodie Elizabeth.

***

Sa katatapos na SONA ni Presidente Digong Duterte, parang bothered pa ang balana sa kanyang gigantic pores at super extreme close ups kesa sa content nito at promises of a new order.

May bago ba sa mga pahayag, payanig at occasional na pagmumura of the First Man of the Republic?

Umantig pa ba ito sa mga damdamin ng mga Filipino? Bagong pag-asa ba ang inihatid nito? May mga problema ba talagang wala na? O mas nadadagdagan pa?

Aware na tayo sa war on drugs, sa justification ng Martial Law sa Min­danao, kaya ano ang bago at kapaki-pakinabang para sa pangkalahatang sektor?

Ang medyo bago, ang big reveal niya na may colon cancer daw si Joma Sison, na mabilis itinanggi ang tsika.

Totoo rin kaya ang pasabog na may nakakatutok na raw na missle sa Pilipinas ang Tsina na in seven minutes, pag tumama sa kung saan parte of our archipelago, Lost World na agad ito?

May katotohanan din kaya ang kanyang paha­yag na ang isang news at entertanment portal, ang nagmamay-ari ay mga dayuhan?

Ano ang pakiramdam ni Ted Failon sa mga papuring ibinigay sa kanyang programang pinanood ni Pres. Digong na naging instrumento kaya kinastigo niya ang mga nasa industriya ng pagmimina?

PSG nightmare din ang pagharap niya sa mga rallyista na ang pinagsisigaw eh “peace talks.”

Hindi niya rin natagalan ang kanyang pakikipagtalastasan sa mga kabataang nakikibaka.

Kung anuman ang mga pangakong inilahad si Pres. Digong Duterte sa kanyang pangalawang SONA, nawa’y maisakatupuran ang mga ito.

Kesa magturuan at magsisihan tayo, magtulong-tulong na tayo para sa kaunlaran nating lahat.

Iisa lang ang bansa natin, at may pananalig akong mahal natin ang Pilipinas at kapwa na­ting mga Pilipino.

One Response

  1. Hindi raw invited si Paulo sa bday ng anak nya, well ako rin naman e hindi pupunta kung hindi ako invited..kung mag gate crash ako dun e for sure di ko alam ireact ng aking nabuntis hehehehe..kaya yun mga nagcocomment na hindi na need imbitahan e ilagay nyo sarili nyo sa mga binatang ama na hindi nakakapag usap ang babae at lalake…at hindi iresponsable tawag dun…may kahihiyan ang taong ganun…