Paulo humirit ng pagkain, trabaho ng Kapamilya

NI:ROLDAN CASTRO

Birthday ni Paulo Avelino. Matamis ang birthday greetings ng kanyang dyosa na si Jodie Tarasek.

“Happy birthday to my bestfriend for life. My pimple popper, my translator, my voice of reason. You have the biggest heart, you are passionate and you are so much more than what the world knows. No amount of words can explain how thankful I am that you forced me to be your girlfriend.

“I know you can, will and continue to achieve great things because you are YOU,” caption ni Jodie sa post niya na memorable moments nila ng boyfriend.

Kiss emoji naman ang pakli ng aktor.

Nagpasalamat naman si Paulo sa lahat ng bumati sa kanyang Twitter account .

“Thank you for all the Birthday greetings! Wala na akong pa-wish sa sarili ko. Ang tanging nais ko ay magkaroon ng pagkain at saya ang bawat pamilyang naapektuhan nitong pandemyang ito at manumbalik ang mga trabaho ng mga kasamahan kong tinuturing kong pamilya!” lahad niya.