Paulo na-miss ang harutan kay Jake Cuenca

BIGO ang fans na makita si Jake Cuenca na rumarampa sa Bench fashion show. At para sa amin, tinupad lang niya ang alam naming plano na niya sa huling beses na rumampa siya na last na yun.

Okey rin naman dahil para rin kay Jake, tingin niya ay nagawa na nga rin niya lahat ng puwedeng maging pasabog. Unless, totally wala na lang sigurong matitirang underwear sa kanya, huh!

Kumbaga, give chance to others naman and true enough, seeing all the uploaded pictures, mukhang isa ang Kapuso star na si Ruru Madrid sa mga napansin at posibleng aabangan muli sa susunod na underwear show.

At marami ang naaliw na netizens sa tila ‘bromance’ nina Jake at Paulo Avelino. Medyo open si Paulo lately sa mga thoughts o opinion niya sa kanyang Twitter account at after nga niyang magpasalamat at mag-congratulate sa 30 years ng Bench, itinuweet nito ang nasa isip na, “feels weird not having @ijakecuenca though.”

Nag-reply si Jake sa tweet ni Paulo nang, “Much love brother! Congratulations on the fashion show I’m sure you killed it!”

Tuloy, ilan sa mga netizens ang naki-comment din at nagsabing kulang daw na wala si Jake or kinuwestiyon ang actor kung bakit hindi nga ito rumampa.

***

IPINA­KILALA na sa ilang member of the press ang pinaka­bagong boy group ngayon na Clique5 kasabay ng launching­ ng kanilang digital Christmas song na may titulong Tuwing Pasko na sinulat ng award-winning songwriter na si Joven Tan.

Katulad noong una naming marinig ang ‘raw’ pa nga lang na pagkaka-interpret ng Clique 5, nagustuhan din agad ng karamihang ng press na um-attend ang kanilang Christmas song.  Gayundin kung paano ang ganda ng blending ng boses nilang lima.

Mukhang sunod-sunod na nga ang magagandang mangyayari sa career ng Clique 5 na sina Marco, Karl, Sean, Clay at Josh dahil ang balita rin namin, by next month, posibleng i-launch na rin ng Ivory ang first album nila.

Hindi pa man talaga rumaratsada at hayun nga at kaka-launch pa lang, may sarili ng hukbo ng tagahanga ang lima.

After ng press launch, may mga naghihintay na na mga fans ng grupo para naman sa kanilang meet and greet.

May show rin sila sa Japan kasama ang kapatid nilang girl group na Belladonas naman sa Japan this December.

At siyempre, kahit na may sariling diskarte ang kanilang management, ang 3:16 Events and Talent Management Company sa Clique 5 katulad ng talagang intensive training for them,  hindi pa rin maiiwasan na maikumpara sila sa ibang boy group na existing na ngayon. Ang Clique 5 ay halos mga produkto rin ng Circle of 10.