Isa sa pinagkakaabalahan ngayon ng aktor na si Paulo Avelino ang motor racing. Laking-gulat ng mga fan nang ipaalam nito na nag-crash ang kanyang minamanehong motor sa isang racing event.
“Yes, I did crash again and although it was a low side crash, unfortunately I dislocated my right shoulder for the first time,” lahad niya.
Kaagad din naman siyang isinugod sa ospital ng mga event organizer at ibinalik sa tamang posisyon ang na-dislocate niyang balikat.
Wala talagang makakapigil sa hilig niya sa racing. Matapos kasi makaramdam ng ginhawa ay bumalik muli siya sa event para ipagpatuloy ang pangangarera.
“I am still fully capable of riding, but definitely at a slower pace due to minimal discomfort on my right shoulder. I was able to finish my whole CSSPH course for this year, level 3 and 4,” proud niyang ibinahagi.
Subalit sa huli niyang caption ay nagbigay siya ng paalala. Aniya, “Sometimes we just have to slow down, assess what We’ve been doing wrong, swallow your pride and accept our mistakes. Then finally, come out as a better person. Full speed ahead!”
Nag-alala naman ang mga fan niya at pinag-iingat siya.