Paulo, pinaghahandaan na ang pagse-settle down

WALANG Oh ­Promise Me (OPM) moments sa The Promise of ­Forever, ang bagong ­Kapamilya Gold drama series nina Ritz Azul (ang ­dalagang no boyfriend since birth ang emotada encarnacion), Ejay Falcon at Paulo Avelino.

May fantastical element ito dahil tungkol ito sa isang lalaking imortal at babaing kanyang iniirog.

View this post on Instagram

All the world's a stage. – William Shakespeare

A post shared by Paulo Avelino (@pauavelino) on

May travel ­sequences sa Europe — sa mga bansang Czech Republic, Belgium, Netherlands at Poland.

Kung paano hinabi ang kuwentong masali­muot, ngayon pa lang ay aroused na ang curiosities ng televiewers.

Bakit ba ginawa ni Paulo ang nasabing proyekto?

Sagot ng The ­Other Papa P, “Tuwing may mga project na ibinibigay sa akin, lagi akong naghahanap ng kakaiba.

“Dapat iba siya sa mga nagawa ko. I want something new, kasi, gusto ko pang matuto, lalo na sa pag-arte.

“It’s not every day that an actor gets to play the role of an immortal.

“Bago siya talaga, exciting, challenging, kaya masasabi kong isa ito sa pinakamahirap, pinaka-inspiring at pinakamasayang gawin.”

Aniya pa, “I hope ma-appreciate ng audiences. Ayoko kasing mag-claim na mahusay ako rito, or talagang acting piece ito. “Ayokong mag-sound na mayabang. Gusto ko kasi marinig ang mga ganu’n from the audiences.

“What I can assure them, they will definitely see a different Paulo.”

Mula pa sa The Portrait of Dorian Gray ni Oscar Wilde, ang romantic dramas na The Time Traveller’s Wife at The Age of Adaline, ­Koreanobelang ­Goblin aka Guardian: The Lonely and Great God ni Gong Yoo, pati na rin cult ­action/­fantasy franchise na ­Highlander, ang pagiging ­imortal, may kung anong pang-akit at panghalina sa mga mambabasa at mano­nood.

May mainam na paliwanag si Avelino tungkol dito, “I think people are fascinated with the concept of immortality, kasi, parang marami siyang perks.

“Una na, power, you acquire it through the years, you wield it, you see your foes dying or perishing in front of your very eyes. “Kung ang mindset mo eh pang-world domination at ­hungry for riches and fame, masarap siguro maging immortal.

“Ang let down of course, lahat ng mga mahal mo at minahal mo talaga, iiwanan ka, mag-iisa ka.

“Mahirap sigurong mag-start all over again, live a full life with the people so dear and close to your heart tapos at the end of say 80 or 90 years, you have not aged a bit, tapos sila, wala na sa iyo. Ang hirap nu’n.”

Dahil sa drama ser­yeng ito, napagtanto ni Paulo na, “Life is indeed too short. Kaya, you must learn how to live in the moment.

“Because of this show, I become more appreciative of life, of the ­smaller things, of bigger adventures.

“I am more ­thankful of what I have and ­always see the good side of people, things and event.

“Mas appreciated ko ang kindness, ang gene­rosity, ang honesty. All the fame and that fortune that we have, lahat ito, temporary eh.”

***

Dahil may ­romantic angle ang Promise, ma­rubdob ang pagmamahal ng mga tauhang gagampananan nila ni Ritz Azul, ang personal na pana­naw ni Avelino tungko sa pagmamahal at romansa with the passage of time, “Well, I think love is the same and different at the same time.

“Yung the same, ‘yung feeling na you want to be with and share so many experiences with her, good or bad, ‘yung kilig, ‘yung feeling of being loved and loving.

“What is different is dati, okay ka na sa kilig lang, sa happy moments.

“May pagkakataon na one gets to look at a relationship na may hope ka na the person you are currently with, panghabang buhay na. Na ito na talaga.

“Na sapat na ­siguro ‘yung adventure, gusto mo na this time, this is for real na.”

Dagdag paliwanag ni Paulo, “I know that I am not getting any ­younger, I am in that stage of my life na I am already building, securing, making sure that this and that is in its proper order and place, not only for myself but also for my family.

“Darating din ang panahon na I will be settling down.”

Have you promised forever to anyone and whatever happened to it?

Sagot agad nito, “As of now, wala pa. Hahahaha! Kasi, kung na-promise ko na ‘yun, baka hindi na ako binata.”

Sa Lunes na, September 11, eere ang panghapong pagtatanghal sa ABS-CBN.