Pinayuhan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga empleyado ng Korean shipbuilder Hanjin Heavy Industries Corp na huwag lumagda sa ‘vo­luntary resignation’ papers.

Ayon kay Director Dominique Tutay, ng Bureau of Local Employment (BLE) ng Department of Labor and Employment (DOLE) beneberipika ngayon ng ahensiya ang mga ulat na may ilang mga manggagawa ng Hanjin ang sapilitang pinagbibitiw.

Sinabi ni Bello na personal niyang pinayuhan ang mga manggagawa na huwag lalagda sa mga resignation paper sa panahon ng huling pagbisita nito sa naturang kompanya sa Subic Bay Metropo­litan Authority (SBMA).

“Sinabihan ko nga sila na ‘wag silang pumayag na mag-resign kasi kapag ikaw nag-resign, hindi ka entitled sa separation pay. Kung totoo man ‘yun, illegal ‘yun. ‘Wag silang pumayag. Palusot iyon,” wika ni Bello.

Nasa 3,000 empleyado ang maaring mawalan ng trabaho kapag tumigil sa operasyon ang natu­rang kompanya.