PBA: ABOT-KAMAY NG SMB

pba-tnt-smb
pba-tnt-smb
DAVID & GOLIATH — Nanliit ang mata ni Jayson Castro ng TNT ­KaTropa nang ang higanteng si June Mar Fajardo ng SMBeermen ang humarang sa kanya sa Game 5 action kagabi ng PBA Commissioner’s Cup title series sa Araneta Coliseum. Wagi ang SMB, 111-102. (Patrick Adalin)

Lagay ng race-to-4 win Finals:
Abante ang SMB sa TNT, 3-2

Laro bukas:
(Smart Araneta Coli­seum)
6:30 p.m. — SMB vs. TNT

Sa likod ng 27 points, 8 rebounds at 5 blocks ni former MVP Arwind Santos, nabangunan pa ng San Miguel Beer ang halftime 15 points down para itulos ang krusyal na 111-102 come-from-behind Game 5 win kontra TNT KaTropa at ga-buhok na lang ang layo sa PBA Commissioner’s Cup title sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Bago iyon nakabentahe ng walo ang SMB saka mga naubusan ng hangin na sinamantala ng TNT sa paulan na pitong 3-point shots para maipundar ang 61-46 lead sa tiklop ng second quarter na rito’y pasabog si Ranidel de Ocampo ng 19 points.

Pero pagkatapos ng break simula sa third hanggang payoff period,­ parang mga bagong nalangi­sang makina pagkalabas ng kanilang dugout mula sa break ang San Miguel samantalang nanlata ang KaTropa na bigong masundan ang Game 4 102-97 victory.

Binulabog sila ng depensa ng San Miguel tu­ngo sa pag-abante pa ng 12 points sa last three minutes ng game, 107-95, tapos ng two free throws ni Best Import of the Conference Charles Rhodes at pagkontrol na hanggang final buzzer para maka­balik sa manibela sa best-of-7 title showdown via 3-2 advantage.

Tinalbos ni Santos ang karamihan niyang puntos sa third sa paghiwalay ng Beermen mula sa maaga munang balikatan saka nagtulungan sina Alex Cabagnot na naka-game-high 28 pts. at Chris Ross na may double-double na 10 at 11 rebounds sa pagbanda ng komposyur sa endgame.

“I thought we were going to lose after the first half. But they just refused to lose,” bulalas ni SMB coach Leo Austria, biniyayaan pa ng 20 markers at 14 boards ni Rhodes at ng 17 pts. ni Marcio Lassiter. “That’s the character we got in our last four championships.”

Kinayod ni De Ocampo ang 19 pts. sa first half para sa Texters, pero nabokya siya sa pagku­yog ng depensa ng SMB sa second half. May 16 si Kris Rosales,15 si Joshua­ Smith at 12 each sina Jayson Castro, Troy ­Rosario at Anthony Seme­rad. Naka-12 rebs. pa si Castro para sa twin-twin work din.

Puwedeng tapusin na bukas ng Beermen ang race-to-4 W series sa Game 6 bukas ng alas-6:30 ng gabi sa Big Dome pa rin.

Ang iskor:

SMB 111 – Cabagnot 28, Santos 27, Rhodes 20, Lassiter 17, Ross 10, Fajardo 9, Heruela 0, Espinas 0, D. Semerad 0, ­Tubid 0, Y. De Ocampo 0.

TNT 102 — R. De Ocampo 19, Rosales 16, Smith 15, Rosario 12, A. Semerad 12, Castro 12, Reyes 6, Garcia 3, Tautuaa 3, Pogoy 2, Williams 2, Nuyles 0.

Quarters: 29-26, 46-61, 82-79, 111-102.