PBA Bantay Import: Defense specialist Ibeh tinapik ng Batang Pier

Naghanap din ng matibay na haligi sa frontcourt ang NorthPort Batang Pier, nagdesisyon na tapikin ang kilalang defense specialist na si Prince Ibeh para isagupa sa PBA Commissioner’s Cup.

Sina Sean Anthony at Mo Tautuaa, kapalitan sina Bradwyn Guinto, Joseph Gabayni at Lervin Flores ang bigs ni coach Pido Jarencio.

Inaasahang aangas ang Batang Pier kay Ibeh, 24, na produkto ng Texas Longhorns. Undrafted ang 6-foot-9 bruiser sa 2016 NBA Draft.

Huwebes ay dumating na sa bansa si Ibeh, may higit dalawang linggong magagamay ang sistema ng NorthPort bago ang siklab ng midseason tournament sa May 19.

Huling naglaro si Ibeh para sa Yokohama B-Corsairs sa Japanese B League. Sa 19 games, nag-average siya roon ng 4.6 points, 7.4 rebounds at 2.6 blocks. (Vladi Eduarte)