Ex-NBA player Jones sa TNT

PBA BANTAY IMPORT: Ex-NBA player Jones sa TNT

PBA BANTAY IMPORT:

Handa nang bumawi ang TNT KaTropa matapos ang maagang pagyuko sa PBA Philippine Cup quarterfinals.

Nakuha ng Texters ang 18th pick sa 2012 NBA Draft ng Houston Rockets, si 6-foot-9 forward Terrence Jones, susubukang ibangon ang eight place finish sa opening confe­rence.

Si Jones ang magiging reinforcement ng TNT sa midseason Commissioner’s­ Cup na magbubukas sa darating na May 19.

Kakagaling lang ni Jones sa Rockets, pumir­ma ng dalawang 10-day contract pero ‘di na mu­ling pinalagda bago pumasok sa 73rd NBA 2018-19 playoffs.
Sa kanyang NBA stint, nakaapat na season si Jones sa Rockets, naglaro rin sa New Orleans Pelicans at Milwaukee Bucks.

Tatlong season na nakitang may ibubuga si Jones, nag-average ng 12.1 points noong 2013-14 season at 11.7 sa 2014-15 pareho sa Rockets, at 11.5 nang nasa Pelicans na.

Noong 2017 dinala niya ang kanyang talento sa Chinese Basketball Association. (Ray Mark Patriarca)