STANDINGS
TEAMS            W-L
San Miguel      5-0
x- Meralco       7-1
Ginebra           4-1
Star                5-2
TNT KaTropa    5-2
Alaska             4-2
Rain or Shine   4-3
Phoenix           3-5
GlobalPort       2-5
Blackwater      2-6
Mahindra         1-7
y-NLEX            0-8

x — Quarterfinalist
y – Eliminated

Games ngayon:
(Smart Araneta ­Coliseum)
4:15 p.m. — Phoenix vs. GlobalPort
7:00 p.m. — SMB vs. TNT KaTropa

Bawal magpetiks ang Phoenix Petroleum at GlobalPort sa lahat ng mga natitira nilang games sa PBA Commissioner’s Cup eliminations bago muling mamahinga sa papasok na linggo ang midseason conference dahil sa 12th SEABA Men’s Cham­pionship sa bansa.

Kasama sa senaryo ng No. 8 na Phoenix (3-5) at no. 9 GlobalPort (2-5) ang sabong mamayang alas-4:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum, ang pampaini­t sa alas-siyete ng gabing derby ng nagtatrangkong San Miguel Beer (5-0) at ka-tie sa fifth na TNT KaTropa (5-2) na pakay sa isa’t isa ang second quarterfinals berth.

Tig-iisang player ang mga pinahiram ng ­galing sa tatlong PP, mula sa panalong GP at unbeaten­ pang SMB samantalang tatlo ang nadulas  sa hu­ling salang na TNT sa national team sa SEABA sa Mayo 12-18.

Si Matthew Wright sa Fuel Masters, si Terrence Romeo sa Batang Pier, si June Mar Fajardo sa Beermen at sina Jayson Castro, Troy Rosario at RR Pogoy sa Texters.

Dapat ma-sweep ng Global ang last three games para mapaypayan ang paghahabol nila sa top eight o quarterfinals pagkaraan ng 11 games sa yugtong ito, habang tatlo sa Phoenix para sa nasabi ring misyon.

“Must win situation for us!” suma ni Batang Pier coach Franz Pumaren sa kinakaharap ng kanyang kampo, na sa dalawang paglaho ni Romeo dahil sa karamdamang mala-flu at bum stomach,­ parehong semplang ang team.

Siya’y nag-a-average­ ng 18.3 points at 5.7 ­assists.

“We need contributors from our bench to compete and to slow down their import,” hirit­ ni Pumaren, na aasa kina Stanley Pringle, Jay Washington, Mike Cortez at import Malcolm White upang masundan ang 105-86 pagsubsob sa Mahindra­ may 11 araw na ang ­nakalilipas.
Naramdaman na ng Fuel Masters ang kahalagahan ni Wright na may 9.2 pts., 5.2 rebs. at 4.2 asts. per game nang bumalentuang sa Meralco­ noong Miyerkules, 66-81. Kaya doble o pataas pa ang kailangang ika­yod nina Jameel McKay, Willie Wilson, JC Intal at Mark Borboran.