Panalangin ng Blackwater Elite na magbunga ang ‘pagsugal’ nila kay 6-foot-9 center Maurice Shaw sa pagbubukas ng bagong season ng Philippine Basketball Association (PBA).

Pinili ng Elite si Shaw bilang second overall pick sa nagdaang 2019 Annual PBA Draft at umaasa ang koponan na pupunan nito ang iniwang responsibilidad ni Bobby Ray Parks Jr., na ipinamigay na ng team sa TNT KaTropa

“Of course there’s still a lot of things lacking but this is our next bold step, basically we gambled on taking a big guy but this is not a guarantee [for immediate success],” sabi ni Blackwater head coach Nash Racela sa ulat na unang lumabas sa Inquirer.net.

“We’re a guard-based team and we always lack the size.”

Magiging sentro ng opensa si Shaw matapos pakawalan ng Blackwater si Parks at makakatuwang niya sina Mac Belo at Niño Canaleta.

“That’s the gamble we were willing to take,” dagdag ni Racela.