Bloody Sunday sa Smart Araneta Coliseum bukas, June 16.

Sabay sa pagdiriwang ng Fathers’ Day, ilulunsad ng Philippine Basketball Association ang annual blood donation drive bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility project ng liga sa pamamagitan ng Alagang PBA program.

Pangungunahan ni PBA commissioner Willie Marcial ang blood donation na magsisimula ng 12 noon sa green gate ng Big Dome sa Quezon City.

“What better way to celebrate Father’s Day than to donate blood for a cause,” ani Marcial nitong Biyernes. “Kaya sana sa lahat ng mga kapwa nating tatay and sa PBA fans, sana suportahan po ninyo ‘yun blood donation project ng liga.”

Sa green gate din, maglalagay ng ‘ahit-pogi’ station para sa libreng shaving ang Gillette, official razor ng PBA.

May naghihintay na freebies sa unang 200 fathers na manonood, kasama ng kanilang pamilya o mga anak, ng double-header ng Linggo.

Sa loob ng venue ay may raffle prizes pa para sa audience.

Inilunsad ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Blackwater, Jimms Coffee, Locally, Maxsell Power Tools at Bench FIX Salon.(VE)