Tinatanggap na ng Philippine Basketball Association ang applications para sa 2017 Rookie Draft na lalarga sa October 29 sa Robinsons Place-Manila.
Deadline ng submission ng applications at requirements para sa Fil-foreign players ay sa September 1, 2017, ayon sa PBA Commissioner’s Office. May hanggang Oct. 12 para mag-apply ang local born aspirants.
Sinabi ni deputy commissioner for basketball operations Rickie Santos na sa Octobrt 23-26 (wala pang venue) ang Draft Combine kung saan makikilatis ang skill set at physical abilities ng players.
Sa October 27 ihahayag ang final list ng candidates para sa Rookie Draft.