Mga laro ­ngayon (Smart Araneta ­Coliseum)
4:15 p.m. — NLEX vs. Blackwater
7:00 p.m. — Meralco vs. Phoenix

Parehong nasa lower half ng standings ang Blackwater at Phoenix, kapwa nangangailangan ng panalo sa mga ­huling laro para humabol sa playoffs ng PBA Commissioner’s Cup.

Nasa No. 8 ang Fuel Masters (3-4), 10th ang Elite (1-6) at uumpisahan ngayon ng dalawa ang misyon na magtuhog ng ‘W’ para masama sa top eight na aabante sa next round.

Sa Smart Araneta Coliseum, unang sasalang ang Blackwater laban sa NLEX (0-7) at sa nightcap ay sasagupain ng Phoenix ang mainit na Meralco (6-1). Kukuryentehin ng Bolts ang pangatlong sunod na panalo para manatili sa tuktok.

“We are treating our last four games as playoff games,” diin ni Phoenix coach Ariel Vanguardia. “There is no room for error.”

Ganito rin ang tinutumbok ng Blackwater coach Leo Isaac: “We will play our very best to get a win and boost our chances of making it to the playoffs.”

Mahigit dalawang linggong pahinga ang Meralco pagkatapos ng 102-91 win sa Blackwater.

“I’m not sure how the 17-day break will affect us, but we are healthy and ready to get back on the court,” lahad ni Bolts coach Norman Black. “Cliff Hodge will return so that should give our defense a lift.”