Inukit ng Star ang pang-apat na sunod na panalo matapos pulbusin ang nanguÂngupeteng Phoenix, 100-81, kagabi sa PBA Governors Cup sa Mall of Asia Arena.
Tumipa si import Malcolm Hill ng 20 points at eight rebounds, may 18 markers si Paul Lee para sa Hotshots na malinis pa rin sa apat na laro at hawak ang solo top spot.
Bumakas din sina Allein Maliksi, Mark Barroca at Ian Sangalang ng tig-11 markers para sa Star.
Patuloy ang pagdomina ng Hotshots sa Fuel masters ngayong season, nag-average ng 28.5 points margin sa apat na pagkikita nila ngayong season.
Nalasap ng Fuel Masters ang five-game skid (2-5).