PBA: GA-BUHOK SA BEERMEN

Pba Beermen Star

Laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
7:00 p.m. — Ginebra vs. TNT KaTropa

Pba Beermen Star
Tinignan na lang nina Justin Melton at Ricardo Ratliffe ng Star ang layup ni Charles Rhode ng SMB sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup semis sa MOA Arena. (PBA image)

Muntik nang mawalan ng saysay ang naipundar na kalamangan ng San Miguel Beer matapos lagukin ang manipis na 77-76 panalo laban sa Star kahapon sa Game 2 best-of-five ng 2017 PBA Commissioner’s Cup semifinals sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Umiskor si import Charles Rhodes ng 21 points at 10 rebounds para tulungan ang Beermen na itabla­ ang serye sa 1-1.

May tsansa sanang makuha ng Hotshots ang panalo subalit nagmintis si Paul Lee sa kanyang jump shot.

“We’re lucky because the last shot of Paul Lee didn’t connect.” saad ni SMB coach Leo Austria. ­“Kahit one point ‘yan, tatanggapin namin ng buong-buo,”

Kumayod ang Hotshots sa third quarter upang habu­lin ang 14-point lead ng Beermen sa halftime.

Naibaba ng Star sa walong puntos ang hinahabol, 47-55, tatlong minuto pa mahigit sa third period.

Nagkaroon ng momentum ang Star at kumana ng 13-3 run kasama ang dalawang free throws ni import Ricardo Ratliffe para maagaw ang manibela, 60-58, may 41 segundo na lang bago mag-fourth.

Mainit na inumpisahan ng SMB ang laro, hinawakan nila ang 44-30 sa unang dalawang periods.

Bumakas si Alex Cabagnot ng 13 puntos para sa San Miguel habang may 12 si June Mar Fajardo.

Kumana si reinforcement Ratliffe ng 25 markers at 35 rebounds para sa Hotshots.