PBA: GAME 7 IPIPILIT NG TNT

Nash-Racela

Lagay ng best-of-7 Finals:
Abante ang SMB sa TNT, 3-2

Laro ngayon:
(Smart Araneta Co­liseum)
6:30 p.m. — SMB vs. TNT

Halos pabangga na sa pader ang likod ng TNT KaTropa, pero positibo pa ring magigising agad mamaya para hindi matu­luyan kahit mula sa masaklap na Game 5 111-102 loss kamakalawa sa Game 7.

Game 6 sa 6:30 evening nila kontra sa ready nang sungkitin ang PBA Commissioner’s Cup championship na San Miguel Beer sa Smart Araneta Coliseum.

Nalubog sa krusyal na 3-2 hole ang TNT sa kabiguang iyon sa kabila ng 15-point halftime lead 61-46, pangalawang masaklap na talo sa best-of-seven titular series, una sa Game 2 102-88 defeat din maski nag-17-0 start.

“The goal is to get to a Game Seven, so ‘yun naman ‘yun, I mean your emotions cannot be dictated by this game,” giit ni Nash Racela na unang bumentahe sa 104-102 series opener.

“You just have to focus on the next one, and there will be a Game Se­ven,” hirit pa ng Texters coach na hindi nasundan sa last game ang Game 4 102-97 decision.

Tampok sa pagkatalo sa Game 5 ang pagbira ni Joshua Smith sa tatlo sa apat na referees sinuman kina Peter Balao, Noy Guevara, Rey Yante at Mau Orieste.

Kaya minultuhan siya kahapon ni PBA Commissioner Chito Narvasa ng P30,000 dahil sa pahayag na, “PBA officials are terrible. Number 14, 17 and 40. The PBA officials are terrible.”

Pinarating ng liga ang fine sa TNT import via Twitter account na @pbaconnect. “TNT Ka­Tropa import Josh Smith is fined P 30,000 for issuing statements detrimental to the league.”

Mahirap ang panaradong laro para sa isang championship game. Lalo na sa SMB dahil hindi basta-basta bibigay ang TNT na ‘di lang sa liga ang pagkakaribalan ng kanilang team owner sa kabila rin kundi sa negosyo man.

“We’ve been to the last four championships, kaya hindi nawawala sa kanila ‘yung composure,” deklarasyon ni Leo Austria na nais pahabain ang record sa 5-for-5 sa championships.

“Very confident ako sa kanilang ginagawa. Na­kita na nila ‘yan e. We’ve been there. More or less alam na nila kung paano maglaro sa ganitong klaseng sitwasyon,” wakas ng Beermen coach, nais tapusin ang 16-year title drought sa mid-season conference ito at itaas ang total sa 24.