PBA: Gins tukod sa Davao

GOING FAST, FURIOUS --- Sina Mark Caguioa (47) at Jayjay Helterbrand (13) na lang ang naiiwan sa Ginebra team na huling nagkampeon sa all-Filipino noong 2006-07 season. Pagkatapos ng isang dekada, humaharabas pa rin ang The Fast & The Furious tandem na nakabalik muli sa Finals. Kaya lang, itinakbo ng San Miguel Beer ang Game 3, 99-88, kagabi tungo sa 2-1 lead sa serye. (Jhay Jalbuna)

Mga laro mamaya (Smart Araneta Coliseum)
4:30 p.m. — Rain or Shine vs. Alaska
6:45 p.m. — SMB vs. Meralco

Isang malupit na rookie Matthew Wright ang bumalikwas kagabi sa Petron Saturday Special ng PBA Commissioner’s Cup elims sa umapaw na USeP Gym sa Davao City, bumulwak ng bagong career-high 27 points at kinarga ang Phoenix ­Petroleum sa 94-91 decision kontra Ginebra.

Nabokya si Wright sa unang pagkakataon sa kanyang rookie year noong Linggo laban sa TNT KaTropa nang malasap ng Fuelmaster ang second straight loss (109-134).

Hindi na nga nakalaro si Sol Mercado dahil sa minor knee injury, nagpabigat pa sa bagahe ng Gin Kings ang pagka-cramps ni Justin Brownlee na nagka-­cramps sa late third quarter at hindi na napakinabangan sa payoff period.

Tinuntungan ng Phoenix ang off-balance shot ni Jamee Mckay at two free throws ni Wright sa endgame, sumablay ang 3-point attempt ni Kevin ­Ferrer sa buzzer at nadiskaril ang debut game ng Ginebra.

Kinabitan ni Wright ang makinang na gabi ng 6 rebounds, 4 assists at steal sa loob ng 29:34 job. May 15 points, 28 rebounds, three steals, two ­assists at two blocks si McKay, naka-15 markers off the bench si Cyrus Baguio.

Bigong kinarga ng tig-15 points nina Japeth Aguilar at Joe Devance ang Ginebra, wala nang ­nakaiskor sa final 1:45 tapos ng basket ni Aguilar para sa huling bentahe ng Gins, 91-90.

Naka-13 si Tenorio, 12 si Brownlee sa 29:45-minute work at 10 si Jervy Cruz sa Kings.