Sa tindi ng intensidad ng laro, hindi na ­napigil ni Calvin Abueva (8) ng Alaska ang emosyon sa isang tagpo ng knockout match nila ng GlobalPort sa MOA Arena kagabi. Tumabo si Abueva ng ­career-high 31 points, pero hindi naisalba ang Aces na sinipa ng Batang Pier 107-106. (Jhay Jalbuna)
Sa tindi ng intensidad ng laro, hindi na ­napigil ni Calvin Abueva (8) ng Alaska ang emosyon sa isang tagpo ng knockout match nila ng GlobalPort sa MOA Arena kagabi. Tumabo si Abueva ng ­career-high 31 points, pero hindi naisalba ang Aces na sinipa ng Batang Pier 107-106. (Jhay Jalbuna)

Pagkatapos ng apat na quarters ng pukpukang laro, nag-martsa ang GlobalPort papasok ng quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Natapos naman ang conference ng Alaska, tumapos ng ninth at magbabakasyon na.

Ibinaon ni Terrence Romeo ang go-ahead 3-pointer at itinaob ng Batang Pier ang Aces 107-106 sa Mall of Asia Arena kagabi, sunod na hahamunin ng hukbo ni Franz Pumaren ang No. 1 at twice-to-beat Ginebra sa quarters.

Pagkatapos ng 3 ni Romeo ay split ang cha­rities ni Justin Harper­ para ilayo sa tatlo ang Batang Pier 107-104, 3.9 ticks na lang. Airball ang huling pukol sa labas ng arc ng Aces at nawalan na ng saysay ang putback ni Chris Excimi­niano para sa final tally.

“I guess no one expected us to be in this situa­tion. But I guess today’s game is a testament that the boys don’t want to take a break yet,” bulalas ni Pumaren.

Tumabo si Harper ng 32 points, tumapos si Romeo ng 26 at may 21 pa si Stanley Pringle sa GlobalPort.

Isang araw lang magpapahinga ang Batang Pier, bukas ay haharapin na ang Gin Kings.

Balagbag sa all-time franchise worst na eight straight losses ang Alaska, sinamahan sa bakasyon ang nauna nang na-out na Mahindra (10th), Blackwater (11th) at NLEX (12th).

Humablot pa si ­Harper ng 17 rebounds sa ­kayod-kalabaw na pagba­bantay sa paint.

Pinangunahan ng 32 points at 16 rebounds ni Corey Jefferson ang Alaska, nagsumite ng career-high 31 points si Calvin Abueva. Ang kontribu­syon ni Abueva ang ­highest production ng isang local ng Aces sa nakalipas na ­siyam na taon, pinanta­yan ang iniskor ni Tony dela Cruz noong 2008 Philippine Cup battle for third laban sa San Miguel Beer.