Inaasahang mababawasan, hindi man tuluyang maalis ang mga kontrobersiya sa officiating sa pagbubukas ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 dahil sa gagamiting makabagong teknolihiya.
Naglilibot mismo ang mga PBA technical official sa mga practice session ng 12 team upang ipaliwanag ang mga bagong regulasyon na isimulang pairalin sa all-Pinoy conference, kasama ang “real-time” review” o “replay center facility”.
Ang nabanggit na makina ang ginagamit sa mga game ng National Basketball Association. Nakatayo Replay Center sa New Jersey.
Ito rin ang magrerebisa sa mga inirereklamong mga situwasyon o tawag sa isang laro tulad sa ball possession, out of bounds, pito ng referees, tirahan ng mga player para mahuli ang salarin, at iba pa.
Tulad sa NBA, ipinapaliwanag din ng technical official ang regulasyon at nararapat na tawag o ipataw na parusa sa mga technical foul o sa mga komplikadong situwasyon. (Lito Oredo)