PBA import saksakan ng libog

Hulaan Blues

Alam kaya ng isang sikat na koponan sa PBA na ubod ng bastos at manyakis ang nakuha nitong import sa kasalukuyang ginaganap na Commissioner’s Cup?

Tawagin nating ‘Black Panther’ ang banyagang manlala­rong ito na ayon sa source ng Tonite ay nag­laway nang todo matapos makakita ng isang naka-tsinelas na dalaga sa loob ng isang convenience store sa Quezon City.

Nagka­taon umano na nanunu­luyan sa parehas na condominium ang dalawa at puro papansin ang PBA import sa Pinay tuwing nagkakasalubong sila.

Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na nagdribol si Black Panther dahil nag-fast break na ito sa dalaga nang sabihan ito ng “Maganda feet!” sabay tanong, “Do you do foot jobs?”

Sa­ madaling salita, mistulang pokpok ang tingin ng basketbolista sa kanyang babaeng neighbor at malamang sa lahat na rin ng mga Pinay na sa tingin niya ay puwedeng-puwede niyang pagparausan, aba’y kung aktibo pa si referee Tito Varela ay baka napituhan ito ng “technical foul.”

Nagmadaling umalis ang dalaga sa convenience store kung saan humabol pa raw papa­labas ang import at nagsisigaw na “Maganda feet, maganda feet!. Kung totoo lang si Thanos, malamang nasampolan na nang matindi si Black Panther.

Clue: Ang manyakis na import ay naglalaro sa koponang nilayasan ng star player. Ang pangalan niya ay kabaligtaran ng kanyang kutis.