Matapos ang pitong edisyon huli nung 2003, balak ibalik ng PBA ang Invitational Conference na ikakabit sa 2016-17-season-ending Governors Cup tampok ang 6-foot-10 imports.

Isa ito sa bagong inobasyon nina bagong chairman Mikee Romero at commissioner Chito Narvasa para mas mapalawak pa ang fan base at ma-level-up ito bilang isa sa top Asian pro tournaments.

“This is one new dimension,” sabi ni Romero sa wakas kahapon ng annual PBA planning session sa The Plaza sa Seoul, South Korea.

Napagpasyahang wala ng handicapping sa mga reinforcement, sa mid-season Commissioner’s Cup ay ikakalso sa 6-foot-5 ang height ceiling.

Hinirit ng GlobalPort team owner na nasa radar ng liga ang mga top club teams ng South Korea, Lebanon at Iran.

Kabilang sa mga naghari sa invitational ang Toyota sa pag-sweep sa Emtex Brazil 3-0, nung 1977; Toyota kontra Tanduay (3-1, 1978); Toyota kontra Crispa (3-1, ’79); Nicholas Stoodley USA kontra Toyota (2-0, ’80, third placer ang Adidas France); San Miguel Beer vs. Crispa (2-1, ’81);

Great Taste vs. Crispa (3-2, ’84) at Alaska vs. Coca-Cola (2-1, ’03) nang mabigong makasulong sa Final Four ang KK Novi Sad Yugoslavia (1-3 win-loss record) at walang naipanalo sa four games na Yonsei University Korea at Magnolia Jilin China.